MANILA, Philippines – Suspendido ang klase ngayong araw sa maraming paaralan sa Metro Manila at karatig lalawigan dahil sa epekto ng Bagyong Maring na pinaigting ng hanging habagat.
Batay sa ipinalabas na kautusan ng Malacañang, walang pasok sa Caloocan, Cainta, Makati, Malabon, Mandaluyong, Manila, Marikina, Muntinlupa, Navotas, Parañaque, Pasay, Pasig, Pateros, San Juan, Taguig at Valenzuela City.
Suspendido rin ang klase sa ilang ss na kolehiyo:
La Salle Greenhills
St. Scholastica
UE Manila and Caloocan (preschool to high school)
UP Manila
Lyceum of the Philippines Manila
Jose Rizal University (all levels)
University of Sto. Tomas (all levels)
Sta. Isabel College (all levels)
Aguinaldo International School, Ermita, Manila (all levels)
Xavier School Nuvali (all levels)
College of St. Benilde
De La Salle University Taft, Makati, and DLSU – STC (all levels)
Arellano University – Main Campus (all levels)
Mapua – Intramuros and Makati (all levels)
Adamson University (all levels)
University of Baguio (all levels)
University of the Philippines – Los Baños
Don Bosco Technical College – Mandaluyong (all levels)
Wala na ring pasok ngayong araw ang mga empleyado sa tanggapan ng pamahalaan maliban lamang sa mga ahensyang may kinalaman sa disaster risk reduction and management tulad ng DSWD at DOH.
Samantala, sa Quezon City walang pasok ang mga paaralan at mga tanggapan ngayong araw dahil sa Quezon City Day bilang paggunita sa kaarawan ni dating panagulong Manuel L. Quezon. (UNTV News)