Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mahigit 300 pamilya sa Marikina, lumikas

$
0
0
Ang mga nilikas na Marikenyong apektado ng pagtaas ng Marikina River (UNTV News)

Ang mga nilikas na Marikenyong apektado ng pagtaas ng Marikina River (UNTV News)

MARIKINA, Philippines — Napilitang lumikas ang mahigit 300 pamilya sa Marikina City matapos umakyat sa alert level 2 o 16 meters ang lebel ng tubig sa Marikina River.

As of 3:20AM ngayong Lunes, mahigit 160 pamilya o mahigit 800 residente ng barangay Malanday ang lumikas sa Filipinas Village covered court, Malanday Elem. School at Bulelak Gym.

Mahigit 130 pamilya o 650 indibidwal naman ang inilikas sa H. Bautista Elem. School sa barangay Tumana sa Marikina.

Siniguro naman ni Mayor Del De Guzman na nakahanda ang lokal na pamahalaan ng Marikina sakaling kailanganing ilikas ang maraming residente.

“Ayon sa forecast, aabot ng 17 pero kapag 18, mataas na yun, may mga areas tayo na identified na natin na babahain dapat yun ang unang mailikas natin,” anang opisyal.

Ayon kay kagawad VJ Sabiniano ng barangay Sto. Niño, nakaantabay na ang kanilang speed boat sakaling tuluyang umapaw ang tubig sa ilog.

“Basta kapag umabot ng 1st alarm, ibinababa na namin ang speedboat namin.”

Sa ngayon ay ibinalik na sa alert level 1 Marikina River. (Jerico Albano / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481