BULACAN, Philippines – Suspendido ngayong araw ng Lunes ang klase sa ilang bayan sa Bulacan na apektado ng baha at malakas na buhos ng ulan dulot ng Bagyong Maring.
Walang pasok mula pres-school hanggang highschool sa mga pribado at pampublikong paaralan sa bayan ng Bocaue, Malolos City, San Jose Del Monte City at Hagunoy.
Wala ring pasok mula elementary hanggang kolehiyo sa bayan ng Marilao at Obando.
Sa ngayon ay umabot na sa isa hanggang tatlong talampakan ang baha sa 7 barangay sa Marilao kabilang ang barangay Nagbalon, Liyas Road, Ibayo, Tabing Ilog, Abangan Sur at Norte.
Not passable naman sa mga light vehicle ang Mc Arthur Highway sa Marilao at Meycauyan dahil sa lagpas-bewang na baha.
Umabot na rin hanggang hita ang baha sa 8 barangay sa bayan ng Meycauyan kabilang dito ang barangay Gasak; habang hanggang binti naman ang tubig-baha sa Longos, Calvano, Zamora, Saluysoy at Pandayan.
Inaasahang tataas pa ang tubig-baha sa bayan ng Hagunoy at Obando dahil sa high tide. (Nestor Torres / Ruth Navales, UNTV News)