MANILA, Philippines – Naghahanda na si Pangulong Benigno Aquino III para sa kanyang State of the Nation Address (SONA) sa Hulyo.
Inatasan na ng pangulo ang mga concerned cabinet member na magsumite ng kanilang accomplishment reports na magiging bahagi ng kanyang taunang pag-uulat sa bayan.
Ito na ang magiging pang-apat na SONA ni Pangulong Aquino sa harap ng kongreso mula nang maupo ito sa pwesto noong 2010.
Sa SONA inihahayag ng punong ehekutibo ang mga nagawa ng kanyang administrasyon sa nagdaang taon, gayundin ang kanyang mga plano para sa susunod na taon, at ang mga nais nitong isulong sa Kongreso. (UNTV News)