MANILA, Philippines – Sina Senador Franklin Drilon (Liberal Party) at Senador Alan Peter Cayetano (Nacionalista) ang nakikita ni Senador Miriam Defensor Santiago na maglalaban para sa pagkapangulo ng Senado.
Ngunit kapag hindi aniya naresolba ng administrasyon ang iringan sa pagitan ng ilang miyembro nito ay maaaring manatili pa rin sa pamumuno ni Senate President Juan Ponce Enrile ang mataas na kapulungan.
Nasa ilalim ng administration coalition ang Liberal Party, Nacionalista Party at ang Nacionalist People’s Coalition.
Matatandaang bago ang eleksyon ay inakusahan ni Legarda si Cayetano ng paglulunsad ng black propaganda laban sa kanya dahil sa umano’y hindi nito pagdedeklara sa kanyang Statement of Assets, Liabilities and Net worth (SALN) ng kanyang condominium property sa New York City.(UNTV News)