Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

12 senador, naiproklama na; canvassing ng partylist groups, isasagawa ngayong araw sa COMELEC

$
0
0
FILE PHOTO: Canvassing  of votes for senators at National Board of Canvassers, PICC (KENJIE HASEGAWA / Photoville International)

FILE PHOTO: Canvassing of votes for senators at National Board of Canvassers, PICC (KENJIE HASEGAWA / Photoville International)

MANILA, Philippines – Walong araw matapos ang 2013 midterm elections, naiproklama na ng Commission on Elections (COMELEC) ang natitira pang 3 winning senatorial bet na kukumpleto sa magic 12.

Ang huling tatlong iprinoklama noong Sabado (Mayo 18) ay sina Cynthia Villar, na nakakuha ng ika-10 pwesto, JV Ejercito na nasa ika-11 pwesto at si Gringo Honasan, na nasa ika-12 pwesto.

Batay sa pinakahuling partial at official tally ng National Board of Canvassers (NBoC) noong Sabado, sa 128 COCs, lumilitaw na kaunti lamang ang iginalaw sa ranking ng mga nananalong senador.

Nangunguna pa rin si Grace Poe, sumunod sina Loren Legarda, Alan Peter Cayetano, Francis Escudero, Nancy Binay, Sonny Angara, Bam Aquino, Koko Pimentel, Antonio Trillanes IV, Cynthia Villar, JV Ejercito at Gringo Honasan.

Samantala, inaasahang ipagpapatuloy ngayong araw ng COMELEC ang canvassing ng mga balota para sa mga partylist group.

Gaganapin ito sa main office ng COMELEC sa Intramuros, Maynila. (Jerico Albano & Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481