Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mga kongresistang isinasangkot sa pork barrel scam, pinangalanan ni DA Sec. Alcala

$
0
0
Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala (UNTV News)

Department of Agriculture Secretary Proceso Alcala (UNTV News)

MANILA, Philippines – Pinangalanan ni Department of Agriculture (DA) Secretary Proceso Alcala ang mga kongresistang kanilang iniimbestigahan na sangkot sa di-umano’y pork barrel scam.

Kabilang sa mga nabanggit na pangalan si Davao City 3rd District Rep. Isidro Ungab, An-Waray Representative Neil Benedict Montejo, Masbate Rep. Scott Davies Lanete, Camarines Sur Rep. Arnulfo Fuentebella at Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali.

Lumitaw ang pangalan ng mga nabanggit na kongresista na umanoy naglaan ng pondo sa JLN Corporation na pag-aari ni Janet Lim Napoles.

Ang pondo ay inilaan ng mga mambabatas para sa agriculture project sa kanilang mga distrito.

Sa pagdinig, nilinaw ni Davao City Representative Isidro Ungab, chairman ng House Committee of Appropriations ang pagkakadawit ng kanyang pangalan sa scam.

“I would like just to ask heart to heart question, yung projects ko ba implemented? Or ghost project? Alam ko alam nyo yung sagot,” ani Cong. Ungab.

Sagot naman ni Sec. Alcala, “actually po isa sa pinakauna po na nabanggit yung pangalan ninyo so isa iyo sa una naming pina-validate at makaaasa kyo na talaga pong fully implemented ito, na-validate may mga pictures po na-validate ito.”

Samantala, maaring sa susunod na linggo ay mailabas na ng Department of Agriculture ang kanilang final report ukol sa isyu.

Hiniling naman ni Alcala sa ilang mambabatas na huwag muna silang husgahan na nakipag-kuntsaba sa bogus na NGO ni Janet Lim Napoles.

“Sana po makita po ninyo ng effort ng department na not letting ng PDAF pass the DA for the past 25 months na kame mailagay ay makita rin natin kasi para pong at this point in time may kasalanan na kame dito. Wag po sanang ganun,” anang kalihim.

Ang Department of Agriculture ay may 2014 proposed budget na P91.2 billion, mas mataas ito ng 7.68% sa kanilang pondo ngayong taon na P84.7 billion. (Grace Casin / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481