QUEZON CITY, Philippines — Ala-una nitong hapon, Biyernes, nang makatanggap ng tawag ang sekretarya ni Ombudsman Conchita Carpio-Morales.
Pinagbabantaan umano nito si Ombudsman Conchita Carpio-Morales na magdahan dahan sa mga ginagawang aksyon na may kaugnayan sa pork barrel scam.
Ayon kay Ombudsman Corpio-Morales hindi na niya tinanong sa kanyang sekretarya kung babae o lalake ang tumawag.
“Ang sabi raw niya (yung nang-death treath) ‘mag-ingat-ingat siya, kailangan tama ang ginagawa niya and all that…’
Tugon naman ng Ombudsman dito, “Well, I’d like to believe that what I’ve been doing is in accordance with what it’s right.”
Nakuha ng tauhan ni Morales ang numero ng caller at agad ipinagbigay alam ng Ombudsman sa Office of the President at ngayon ay kasalukuyan nang bine-verify ang nasabing tawag.
Ayon kay Ombudsman Corpio-Morales hindi na sya nagulat nang malaman niya ang balita dahil hindi naman ito ang unang pagkakataon na nakatanggap siya ng death threat.
“I have told you once and for all that if it’s your time, it’s your time. But I’m not scared, sila ang na-scared that’s why they are trying to counter-scare me…”
Ayon kay Ombudsman Morales, hindi niya kailangan ng karagdagang security dahil hindi naman siya nagpapadala sa death treath.
Sapat na aniya sa ngayon ang kanyang mga close in security. (GRACE CASIN, UNTV News)