CALOOCAN, Philippines — Ipinagpapasalamat ng RnB singer na si Brenan Espartinez ang pagkakapili sa kanya bilang interpreter ng awiting “LaLaLa… Awit ng Puso” dahil bukod sa nagustuhan niya na ang naturang awit, nais din niyang makabalik muli sa A Song of Praise o ASOP Music Festival ng UNTV.
Muling naipanalo niya ang naturang awit na komposisyon ng baguhang kompositor mula sa Quezon City na si Mary Jane Bautista.
Ani Brenan, “Thankfully napili niyo po ako, ‘yung song kasi may ibang groove… may kakaibang groove. I’m thankful na nagustuhan po ng mga judges. Nagustuhan po ni Ms. MJ (Bautista) yung aking rendition and I’m thankful to be back in ASOP.”
Ipinagpapasalamat din ni Mary Jane ang pagkakapili kay Brenan upang awitin ang kanyang obra.
“Actually alam ko na nanalo… lumaban siya sa isang competition internationally and at the same time kung gaano kalinis kumanta siya so I’m very confident na ‘pag ininterpret niya ‘yung kanta, talagang may laban kami.”
Nakatunggali nito ang mga awiting “Mundo Ko’y Naging Nakulay” ni Annaliza Ente sa rendisyon ni Jessa Mae Gabon at “Dahil Sa’Yo” ni Joel Pinza sa interpretasyon naman ni Joseph Aldana.
Nakasama namang muli sa judge’s table ni Doktor Musiko Mon Del Rosario ang OPM icon na si Boy Mondragon at singer actress na si Jackie Lou Blanco. (ADJES CARREON / UNTV News)
The post Awiting “LaLaLa… Awit ng Puso”, unang weekly winner sa buwan ng Disyembre appeared first on UNTV News.