LAGUNA, Philippines — Maayos na ang pakiramdam ng umano’y utak ng 10 billion-peso pork barrel scam na si Janet Lim-Napoles matapos magkaroon ng anxiety attack kaninang madaling araw, Lunes.
Si Napoles ay nailipat sa Fort Sto. Domingo sa Sta. Rosa, Laguna nitong Linggo ng umaga.
Ayon sa mga awtoridad, tutukan nila ng husto ang seguridad at kalusugan ni Napoles na isang diabetic.
Hindi rin pinapayagan sa loob ng selda ni Napoles ang matatalim at matutulis na bagay.
Bagama’t may refrigerator sa detention cell at reception room, wala naman aniya itong air condition.
Kailangan namang siguruhin ng custodian ni Napoles na hindi ito maaring humawak ng anumang kagamitan na posibleng magamit nito sa pagtakas.
Maaring bisitahin si Napoles mula ala-1hanggang alas-4 ng hapon, tuwing Martes hanggang Biyernes.
Ala-7 hanggang alas-11:30 ng umaga at ala-1:30 hanggang ala-5 naman ng hapon tuwing Sabado at Linggo. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)