MANILA, Philippines — Binatikos ng netizens ang anila’y espesyal at sobrang proteksyon na ibinibigay ng gobyerno kay Janet Lim-Napoles.
Ayon sa isa sa mga organizer ng Million People’s March to Luneta na si Peachy Rallonza-Bretana, overacting na ang ginagawang seguridad para kay Napoles.
Dadag pa nito, dapat ding tratuhin ng maayos ang mga whistleblower dahil malaki ang naitulong ng mga ito sa pagkakabunyag sa bilyong pisong pork barrel scam.
Samantala, ipinagtanggol naman ng Malakanyang ang pag-aasikaso ni DILG Secretary Mar Roxas kay Napoles at sinabing sinusunod lamang nito ang utos ni Pangulong Aquino. (UNTV News)