MANILA, Philippines – Magdaragdag ang Department of Education (DepED) ng 61-libong bagong guro para sa school year 2013-2014.
Layon ng hakbang na ito na matugunan ang mataas na demand sa mga guro bunsod ng mas maraming estudyanteng nag-eenrol sa mga pampublikong paaralan para sa nalalapit na pasukan.
Samantala, ang mga guro na maililipat sa mga paaralang kulang sa teachers ay tatanggap ng redeployment allowance na P18,000. (UNTV News)