Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagbibitiw ng abogado ni Andal Ampatuan Jr. sa kaso ng Maguindanao Massacre, pinayagan ng Korte

$
0
0
FILE PHOTO: Ang paghingi ng hustisya ng ilang mga estudyante ng Bulacan State University noong 2013 sa paggunita ng ika-apat na taon ng Maguindanao massacre. (PAUL JUNNEL AQUINO / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang paghingi ng hustisya ng ilang mga estudyante ng Bulacan State University noong 2013 sa paggunita ng ika-apat na taon ng Maguindanao massacre. (PAUL JUNNEL AQUINO / Photoville International)


MANILA, Philippines —
Wala na namang abogado sa ngayon si Andal Ampatuan Jr., ang pangunahing akusado sa mga kaso kaugnay ng Maguindanao massacre.

Ito’y makaraang magbitiw sa kaso ang kanyang huling abogado na si Atty. Salvador Panelo.

Una nang nagbitiw sa paghawak sa kaso si Atty. Sigfrid Fortun noong 2014.

Duda naman ang prosecution sa tiyempo ng pagbibitiw ni Panelo dahil dalawang linggo na lamang ang nalalabi upang tapusin ni Andal Jr. ang presentasyon ng ebidensya sa kanyang bail petition.

Bagama’t karaniwang hindi nakikialam ang korte kung nais magpalit ng abogado ang isang akusado, naobliga na ang Quezon City RTC na maglabas ng kautusan tungkol dito.

Binigyan ni Judge Jocelyn Solis-Reyes ng tatlong linggo si Datu Unsay upang maghanap ng panibagong abogado at tapusin ang presentasyon ng kanyang rebuttal evidence.

Kinansela na rin ng korte ang nakatakdang pagdinig sa December 17 na dapat ay huling pagdinig na sa bail petition.

Itutuloy na lamang ito sa January 7 ng susunod na taon.

Babala ng korte, ito na ang huling pagkakataon na ibibigay kay Datu Unsay at kapag nabigo ito ay hindi na siya papayagang tapusin ang presentasyon ng kanyang ebidensya.

Samantala, hindi natuloy ang pagpapakonsulta ni Andal Jr. sa National Kidney and Transplant Institute para sa kanyang karamdaman sa bato.

Pinayagan ng korte na magpa-check up si Unsay ngunit nang dadalhin na sa NKTI ay tumanggi na ito dahil wala umano siyang pambayad sa ospital. (RODERIC MENDOZA / UNTV News)

The post Pagbibitiw ng abogado ni Andal Ampatuan Jr. sa kaso ng Maguindanao Massacre, pinayagan ng Korte appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481