Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

NBI Deputy Director Edmundo Arugay, nagbitiw na rin sa pwesto

$
0
0

for arugay

MANILA, Philippines — Kinumpirma ni Justice Secretary Leila De Lima na nagbitiw na rin sa pwesto si NBI Deputy Director Edmundo Arugay, ilang araw lang matapos ang ginawang pagbibitiw sa pwesto ni Director Nonnatus Rojas.

Epektibo ang courtesy resignation ni Arugay simula September 14.

Nagbitiw si Arugay matapos ianunsyo ni De Lima sa media na may tatlo o apat na opisyal ng NBI ang dapat na magbitiw sa pwesto.

Tumanggi naman ang kalihim na pangalanan ang tinutukoy nitong mga opisyal.

“Itong some deputy directors na ito, napapansin ko palaging mayroong trust or integrity issues surrounding them although puro lang mga info na wala namang ebidensiya, both from within and outside. Consistent yung mga pangalan na naririnig ko pero walang ebidensiya.”

Samantala, hindi ikinaila ni De Lima na posibleng makaapekto ang nangyayari ngayon sa pamunuan ng NBI kaugnay sa pagsasampa ng kaso tungkol sa isyu ng pork barrel scam.

“Ayoko naman I always want to be candid. Siyempre nakakaapekto rin sa team na me-demoralization but I was talking to the team leader kagabi na move on, sige na, tapusin na, gawin nyo ginagawa nyo ngayon, tapusin nyo na kasi andyan na pressure na, hinihintay na inaasahan na pagfile ng mga kaso,” pahayag pa ng kalihim.

Binatikos naman ng abogado ni Janet Lim-Napoles na si Atty. Lorna Kapunan ang kalihim at sinabing hindi dapat makaapekto sa kaso ang pagbibitiw ng mga opisyal ng NBI.

“We do not want another delay in the filing of the complaint. I hope that her asking them to resign will not be used as a delay in this case,” ani Kapunan. (Bernard Dadis / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481