MANILA, Philippines – Nakatakdang dumating sa bansa mamayang gabi ang siyam na Overseas Filipino Workers (OFWs) mula sa Egypt.
Ayon kay Labor and Employment Secretary Rosalinda Baldoz, ito na ang ikalawang batch ng mga OFW na nagpasiyang umuwi ng Pilipinas dahil sa tumitinding kaguluhan sa Egypt.
Dagdag pa ng kalihim, patuloy ang kanilang koordinasyon sa mga recruitment agency para sa possible redeployment ng mga repatriated OFW sa ibang bansa.
Tiniyak naman ng DOLE na hindi pababayaan ng pamahalaan ang mga manggagawang Pinoy sa Egypt, Syria at Saudi Arabia.
Una nang nakauwi kanina ang mahigit dalawampung OFW mula naman sa bansang Syria. (UNTV News)