MANILA, Philippines – Ilan buwan makalipas ang pagbisita ng Japanese Defense Minister Itsunori Onodera, nag-courtesy call naman kay Defense Secretary Voltaire Gazmin ang Minister in charge of Ocean Policy and Territorial Issues ng Japan na si Ichita Yamamoto.
Sa pag-uusap ni Yamamoto at Gazmin, isa sa kanilang natalakay ang problema ng dalawang bansa kaugnay sa agawan sa teritoryo.
Kasalukuyang nahaharap sa isyu ng agawan ng teritoryo ang Pilipinas sa China at iba pang bansa sa Asya partikular sa West Philippine Sea.
Bukod sa Pilipinas, may territorial dispute din ang Japan at China sa Senkaku Island.
Ilang punto ang napagkasunduan ng Defense Secretary at Japanese Minister sa kanilang pulong.
“Shared view any country not changed status quo by force. Rule of law must remain. And we cooperate to send a strong message to int’l community,” ani Yamamoto.
No comment naman si Yamamoto sa usapin kung malaki ba ang maitutulong sa problema ng bansa ang planong pagdaragdag ng puwersa ng mga sundalong Amerikano sa Pilipinas.
Sa ngayon ay tapos na ang stage 2 ng pag-uusap ng Amerika at Pilipinas para sa pagbalangkas ng framework agreement ng increased rotational presence ng American soldiers sa bansa. (Victor Cosare / Ruth Navales, UNTV News)