MANILA, Philippines — Ipinagtanggol ni Bureau of Internal Revenue (BIR) Commissioner Kim Jacinto-Henares ang bagong patakaran na nag-aatas sa mga propesyunal gaya ng abugado, doktor, dentist, accountant, engineer, architect at iba pa na ipaskil sa kanilang mga opisina ang kanilang professional fees.
Una nang inalmahan ng Philippine Medical Association (PMA) at Integrated Bar of the Philippines (IBP) ang planong ito ng BIR.
Sinabi ni PMA President Dr. Oscar Tinio na hindi ito solusyon upang makapagbayad ng tamang buwis ang mga doktor sapagkat magkakaiba ang doctors fee.
Dagdag pa nito, hindi umano lahat ng pasyente ay kanilang sinisingil.
“We welcome that but there is no universal fee for all patients. Also, I don’t see this as a solution. Does it mean that once you post it, you’ll be paying the right taxes?”
“They see what we earn but they do not see what we don’t earn from the services that we render to poor patients.”
Paliwanag naman ni Henares, “madali lang naman yan, para wala kayong gulo sa BIR, kung libre e di mag-issue kayo ng resibo. Gagawin kung P500 less P500, zero! Para wala tayong gulo na iniimbestagahan namin kayo dahil may biglang pasyente lumabas, tinatanong namin kayo meron ba kayong resibo?.”
Ayon naman kay IBP Vice President Vicente Joyas, kwestyunable ang pagpapaskil ng kanilang professional fee. Maituturing umano na advertisement ito na labag sa IBP rules and regulation.
“My mobile phones have been ringing nonstop from IBP members regarding this BIR plan”
Dagdag pa ni Joyas, “If the BIR will push for the implementation of that plan, definitely we will be filing a case in court to question its legality.” (Pong Mercado / Ruth Navales, UNTV News)