Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang Syrian-Americans, tinututulan ang planong limited military strike sa Syria

$
0
0
Americans demonstrate their opposition to military action against Syria during a rally outside the White House, August 29, 2013 (JASON REED / REUTERS)

Americans demonstrate their opposition to military action against Syria during a rally outside the White House, August 29, 2013 (JASON REED / REUTERS)

Washington DC – Marami ngayon ang nangangamba sa kauuwian ng planong pag-atake ng Amerika sa bansang Syria.

Dahil dito, nagsagawa ng protesta ang ilang Syrian-Americans sa harap ng White House sa Washington, D.C. upang ipanawagan kay US President Barack Obama na huwag ituloy ang naturang plano.

“They’re against Obama interfering in Syria, and honestly I’ve been torn into that decision, a lot of people are for, and a lot of people are against it, and they have their positives and negatives, and I’m like 50/50,” anang protester na si Maria.

Ayon naman kay Basa, “ I hate to see war everywhere, I hate to see civilians being killed but if someone doesn’t stop him he’s gonna keep bombing, he’s gonna keep slaughtering people, he’s gonna be detaining people.”

Samantala, sa ginaganap na G20 Summit sa St. Petersburg, Russia tinalakay ng mga world leader ang nagaganap na krisis sa Syria.

Bahagya namang nahuli sa pagtitipon si US President Barack Obama na halatang pressured na sa kinahihinatnan ng kanilang isinusulong na resolusyon.

Ayon kay Italian Prime Minister Enrico Letta, magkaka-iba umano ang opinyon ng dalawampung leaders hinggil sa planong limited military action laban sa Syria.

Kasunod nito, inakusahan naman ni US ambassador Samantha Power ang Russia na pinipigilan umano ang security council na magbuo ng mga resolusyon upang maresolba ang krisis sa Syria.

“Even in the wake of the flagrant shattering of the international norm against chemical weapons use, Russia continues to hold the council hostage and shirk its international responsibilities, including as a party to the chemical weapons convention. What we have learned, what the Syrian people have learned, is that the Security Council the world needs to deal with this crisis is not the Security Council we have,” ani Power.

Sa mga bansang dumalo sa G20 Summit, tanging ang Amerika at France lamang ang nagkakasundo na gumamit ng military force laban sa rehimen ni Syrian President Bashar Al-Assad.

Ang China at Russia, patuloy na iginigiit na iligal ang anumang gagawing hakbang kapag walang permiso mula sa United Nations (UN). (James Bontuyan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481