MANILA, Philippines – Kumpirmadong pinalaya na ang apat na Filipino peacekeeper na binihag ng Syrian rebels sa Golan Heights anim na araw na ang nakalilipas.
Ang apat na pinoy ay dinukot ng mga rebelde sa isang observation post sa ceasefire line sa pagitan ng Syria at Golan Heights.
Ayon kay Chief Military Spokesman Brigadier General Domingo Tutaan, ang mga Filipino peacekeeper ay nai-turn over na ng Syrian rebel group na Yarmuk Martyrs’ Brigade at nasa ligtas nang kalagayan. (UNTV News)