MANILA, Philippines – Hiniling ni Miss World-Philippines 2013 2nd Princess Bianca Saldua sa mga pageant organizer na alisin na ang kategoryang swimwear sa kanilang patimpalak kagandahan.
Matatandaaang si Bianca ang natatanging kandidata sa Miss World Philippines 2013 na hindi sumunod sa 2-piece design sa swimsuit category.
Paliwanag ni Bianca, “I feel that if you’re going to expose it more yung about katawan, more on the sex appeal, you would say na hindi na more on the brains, sana binalik nila sa beauty and brains talaga.”
Malaki naman ang pasasalamat ng magandang Campus Challenge host sa suportang ibinibigay sa kanya ng mga kasangbahay.
“Sa twitter, instagram, napakaraming support ng mga kasangbahay for me. Please continue to support not only me and beauty pageants, but also here in UNTV pag may mga projects kami hindi lang ako, kaming lahat.”
Samantala, iniharap naman sa media ang mga kandidata ng World Supermodel Philippines 2013.
Ang makokoronahang kandidata sa September 8, 2013 sa the Amazing Theater, Pasay City ay ilalaban sa World Supermodel 2013 sa Queensland, Australia sa Nobyembre. (Adjes Carreon / Ruth Navales, UNTV News)