Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Pagkakaisa laban sa pork barrel, ipinanawagan ng Filipino artist community

$
0
0
Ang ilan sa m ga kabilang sa grupong AKKSYON o Artista Kontra-Korapsyon sa panawan ng pagiging solido kotra pork barrel scam (UNTV News)

Ang ilan sa m ga kabilang sa grupong AKKSYON o Artista Kontra-Korapsyon sa panawagan ng pagiging solido kotra pork barrel scam (UNTV News)

MANILA, Philippines — Nanawagan ang ilang kilalang Filipino artist na magkaisa ang artist community sa bansa para sa pag-aalis ng pork barrel ng mga mababatas.

Inilunsad ng iba’t-ibang grupo ng mga artista sa bansa ang isang alyansa na AKKSYON o Artista Kontra-Korapsyon.

“This has gone on long enough. We call on fellow concerned artist and cultural workers to unite to stand for the abolition of the pork barrel system. This abuse will not stop unless we, along with the filipino people, face it with our collective strength,” ani Direk Joel Lamangan.

Ayon sa national artist na si Bienvenido Lumbera, bukod sa pagiging tax payer ng lahat, ramdam ng mga nasa larangan ng pag-arte ang mga katiwalian sa paggamit ng pondo ng gobyerno.

Sinabi naman ng beteranong teather artist na si Nanding Josef, sa kanyang halos apat-na-pung taon sa industriya, tila hindi pa rin umunlad ang larangan ng pagtatanghal sa bansa.

Kwento nito, dalawang produksyon ang kanilang binuo para sa kamalayan ng ating lipunan subalit hindi naging prayoridad na mabigyan ng pondo.

Masakit para sa kanila na mabalitaan ang di umano’y paglustay sa kaban ng bansa.

Ani Direk Josef, “Kasi ilang taon na rin kaming humihiling ng pera sa mga sendor at kongresista para magamit for arts education. Meron kaming play sa Tanghalang Filipino entitled ‘Anatomy of Corruption’ at ‘Walang Kocorrupt’, pareho yun tungkol sa korapsyon. Masakit sa amin dahil yung sinsabing priority project nila eh kay Napoles pala napupunta.”

Kasama rin sa pagbuo ng AKKSYON ang iba’t-ibang organisasyon sa sining at maging ang grupong Mga Kabataang Artista para sa Tunay na Kalayaan o KARATULA. (PONG MERCADO, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481