MANILA, Philippines – Makikiisa ang mga Filipino worker sa Hong Kong sa “Zero Remittance Day” ng mga OFW sa Setyembre 19.
Layunin ng zero remittance day na ipakita ng mga Pilipinong nagtatrabaho sa ibayong dagat ang kanilang pagkadismaya sa maling paggamit ng pera ng bayan.
Nais din nilang i-protesta ang mga nagaganap na katiwalian sa gobyerno, mabagal na paglilitis sa mga tiwaling opisyal at ang special treatment ng pamahalaan kay Janet Lim Napoles na umano’y utak ng pork barrel scam.
Sinabi naman ng Malacañang na dapat ding isaalang-alang ng mga OFW ang kanilang pamilyang maaapektuhan ng naturang pagkilos. (UNTV News)