Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Planong pag-take over sa Zamboanga City hall, itinanggi ng MNLF

$
0
0
FILE PHOTO: MNLF Legal Counsel and Spokesperson Emmanuel Fontanilla. (PHOTOVILLE International / Ritchie Tongo)

FILE PHOTO: MNLF Legal Counsel and Spokesperson Emmanuel Fontanilla. (PHOTOVILLE International / Ritchie Tongo)

ZAMBOANGA CITY, Philippines — Walang plano ang Moro National Liberation Front (MNLF) na lusubin at kubkubin ang Zamboanga City Hall.

Paliwanag ni Atty. Emmanuel Fontanilla, ang legal counsel ng MNLF, nais lamang sana ng kanilang mga miyembro at taga-suporta na magsagawa ng mapayapang rally kaninang madaling araw ngunit nauwi ito sa bakbakan.

“We have done that in Davao we creed out flags in Davao near the city halls we have also conducted holding of flags in General Santos City near the city hall at the back of the city hall and there was nothing that happened, ito lang si Mayor Climaco ang hindi namin maintindihan kung ano ang nasa isip niya noon,” ani Fontanilla.

Sa ngayon ay nananawagan ang pamunuan ng MNLF ng third party intervention upang makipag negosasyon at mapahupa ang tensiyon.

Ayon kay Fontanilla, mayroon na silang nilagdaang peace agreement at ng pamahalaan kasama ang Organization of the Islamic Conference kaya umaasa silang matutulungan sila ng United Nations at ang bansang Indonesia sa problema ngayon sa Zamboanga.

Dagdag pa ng abogado, nais din nilang pangunahan ng isang independent party ang imbestigasyon upang lumabas ang katotohanan kung sino ang nagsimula ng kaguluhan.

“There are counter allegations and allegations it would be prudent for every parties to seek for third party intervention on this matter to seek the truth.”

Sinabi pa ni Fontanilla na ikinalungkot ni MNLF founding chairman Nur Misuari ang pangyayari lalo na ang pagkamatay ng anim na tao.

“We are saddened and we would like to make it very clear to everybody listening that we detest we do not like war,” saad pa nito.

Samantala mariin namang kinundena ng regional government ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) ang pangyayari.

Agad na ring inalerto ni ARMM Governor Mujiv Hataman ang mga awtoridad sa kalapit na mga lugar ng Zamboanga gaya ng Basilan, Sulu at Tawi Tawi sa posibleng spill over ng pangyayari. (Louell Requilman / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481