Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Rice smugglers, posibleng nasa likod ng text blast ukol sa krisis sa bigas — Alcala

$
0
0
FILE PHOTO: Rice (PHOTOVILLE International)

FILE PHOTO: Rice (PHOTOVILLE International)

MANILA, Philippines – Iniimbestigahan na ng Department of Agriculture (DA) ang nasa likod ng text blast ukol sa rice crisis.

Ayon kay DA Secretary Proceso Alcala, target nilang matapos ang imbestigasyon sa susunod na linggo.

Aniya, makakaasa ang taumbayan na sapat ang suplay ng bigas sa dalawamput walong warehouse ng National Food Authority (NFA) sa Metro Manila.

“Wala pong crisis sa ating bigas,” anang kalihim.

Samantala, aminado si Alcala na may pagtaas sa presyo ng commercial rice ngunit inaasahang babalik ito sa normal na presyo kapag nagsimula na ang panahon ng anihan.

“Nagha-harvest na po, within this week pupunta ako sa mga lalawigan na at iche-check ko mga harvest area, dapat bumaba dahil nandyan na suplay.”

Sinabi pa ni Alcala na posibleng mga rice smuggler ang nasa likod ng pagpapakalat ng text message na may krisis sa bigas base sa impormasyong nakarating sa kanyang tanggapan.

Mayroon din aniyang nagpapakalat ng text message na may ipinamamahaging libreng bigas sa ilang pamilihan gaya sa Pritil at Commonwealth Market.

Nagtataka rin ang kalihim kung bakit sa halip na pila ng bigas ay pera umano ang ipinamimigay.

“(Rise smugglers ba yan?) Maari po sapagkat sila po yung baukulan nito sapagkat nang higpitan ng NFA  yung pagpasok ng bigas at di tayo pumayag na dodoblehin eh marami pong nagagalit, mahirap gumawa ng matuwid at tama.”

Tiniyak naman ng kalihim na pananagutin nila ang nasa likod text blast.

“Ito po’y hindi biro-birong gawain. Hindi ito pwede basta palampasin, ibig sabihin na may hindi maayos na kaluluwa sa ating bansa na ang iniisip na pansarili lamang,” saad pa ni Alcala. (Bryan De Paz / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481