Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Publiko, ‘di dapat mabahala sa nangyayaring kaguluhan sa Zamboanga – PNP

$
0
0
Ang mga lokal na residente sa Zamboanga City na nakikiusyoso sa mga pangyayari sa pagitan ng MNLF at pwersa ng pamahalaan nitong Lunes, September 09, 2013. (CREDITS: Philippine Information Agency)

Ang mga lokal na residente sa Zamboanga City na nakikiusyoso sa mga pangyayari sa pagitan ng MNLF o Moro National  Liberation Front at pwersa ng pamahalaan nitong Lunes, September 09, 2013. (CREDITS: Philippine Information Agency)

MANILA, Philippines — Hindi dapat ikabahala ng publiko ang nangyayari ngayong kaguluhan sa Zamboanga City.

Ayon kay PNP Spokesperson Sr. Supt. Wilben Mayor, mariing ipinag-utos ni PNP Chief Dir. Gen. Alan Purisima sa kanyang mga tauhan sa Zamboanga na maging alerto at siguruhin ang kaligtasan ng mga sibilyan.

“We ate closely coordinate with the LGU , crisis management committee, PNP regional offices to Mindanao and PNP special unit are directed to maintain highest alert and vigilance to ensure safety to the public,” ani Mayor.

Ayon pa sa opisyal, kasama ang Philippine National Police sa mga gumagawa ng paraan upang matigil na ang kaguluhan.

“Rest assured that the PNP is doing its best.”

Iginiit din nito na hindi dapat mag-alala ang publiko dahil patuloy ang pagkilos ng PNP at AFP upang protektahan ang mga sibilyan sa lugar.

“Your PNP is in top of the situation to ensure public safety and to resolve the conflict in Zamboanga City,” pahayag pa ni Mayor.

Kaugnay nito’y, nanawagan din ang pulisya sa publiko na makipagtulungan upang mabilis na mahuli ang mga miyembro ng MNLF breakaway group na nanggugulo sa lugar. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481