Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Bilang ng mga nasawi sa kaguluhan sa Zamboanga, umakyat na sa 6; sugatan 24

$
0
0
Kabilang ang sundalong ito sa mga nasugatan sa nagaganap ng sagupaan sa pagitan ng militar at ng Moro National Liberation Front sa Zamboanga City nitong Lunes, September 09, 2013. (Philippine Information Agency)

Kabilang ang sundalong ito sa mga nasugatan sa nagaganap ng sagupaan sa pagitan ng pwersa ng militar at ng Moro National Liberation Front sa Zamboanga City nitong Lunes, September 09, 2013. (Philippine Information Agency)

ZAMBOANGA CITY, Philippines — (Update) Umakyat na sa 6 ang bilang ng mga nasawi habang 24 ang sugatan sa nangyayaring kaguluhan sa pagitan ng militar at Moro National Liberation Front (MNLF) sa siyudad ng Zamboanga.

Kabilang sa mga nasawi ang isang pulis, isang Navy personnel at 4 na sibilyan.

Umabot na rin sa 220 ang hostages.

Ilan sa mga hiningi ng MNLF bago mag-alas-6 nitong gabi ang mga sumusunod:

1. Lugar na mapagpapahingan kasama ang mga hostages.

2. Bigyan sila ng daan upang makapagmartsa papunta sa city proper upang makapagtayo ng kanilang bandera.

3. 1 on 1 meeting kay Mayor Beng Climaco.

Samantala, patuloy pa rin ang rescue operations ng mga awtoridad sa mga sibilyan sa mga kalapit na barangay na apektado ng kaguluhan.

Pinapayuhan ng mga awtoridad ang publiko na maging maingat at maghanda ng tubig, flashlight, kandila, mga pagkain at iba pang kakailanganin pagsapit ng gabi.

Sa kasalukuyan ay mahigit isanlibo na ang mga evacuee na nasa grandstand.

Nanawagan naman ang lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa mga nais magdonate ng relief goods upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan. (Denry Lopez / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481