Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Kaligtasan ng mga bihag ng MNLF, pangunahing misyon ng pamahalaan

$
0
0
FILE PHOTO: DILG Sec. Mar Roxas (Google Maps / UNTV News)

FILE PHOTO: DILG Sec. Mar Roxas (Google Maps / UNTV News)

MANILA, Philippines – Pangunahing misyon ng pamahalaan ngayon ay ang gawin ang lahat ng paraan upang hikayatin ang armadong grupo ng MNLF na palayain ang lahat ng mga residenteng bihag at ginagawang ‘human shield’ laban sa operasyon ng militar at pulis.

Ito ang ipinahayag ni Interior and Local Government Secretary Mar Roxas na ngayon ay nasa Zamboanga City upang personal na imonitor ang ginagawang aksyon ng lokal na pamahalaan ng Zamboanga sa kasalukuyang krisis.

Ayon kay Roxas, hindi titigil ang operasyon ng pamahalaan hangga’t may natitirang residente na hawak ng armadong grupo.

Tiniyak rin ng kalihim na pananagutin ng pamahalaan ang lahat ng may kaugnayan sa kaguluhan sa Zamboanga. (UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481