Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Mayor ng Bohol, ipinatanggal sa pwesto ng Ombudsman dahil sa pamemeke ng travel reimbursements

$
0
0
FILE PHOTO: Office of the Ombudsman (UNTV News)

FILE PHOTO: Office of the Ombudsman (UNTV News)

QUEZON CITY, Philippines — Inalisan ng Office of the Ombudsman ng retirement benefits at oportunidad na makapagsilbing muli sa gobyerno ang mayor ng Bohol na si Apolinaria Balistoy.

Ito ay matapos ipag-utos ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na tanggalin na sa pwesto si Balistoy dahil sa kasong serious dishonesty, grave misconduct at falsification of documents.

Kaugnay ito ng maanomalyang travel reimbursements niya noong 2010 na umabot sa mahigit 155 thousand pesos.

Ayon sa imbestigasyon ng Ombudsman, pineke ni Balistoy ang certificate of attendance nito sa apat na training modules noong October 2010.

Ang mga certificate na ito ang ginamit upang makakuha ng reimbursements para sa travel at training expenses.

Ngunit napagpalaman ng Ombudsman na sa probinsya lang pala isinagawa ang trainings at hindi sa Metro Manila, at imposible rin na nasa magkaibang lugar si Balistoy sa magkaparehong oras at panahon.

Wala ring travel authorities ang na-isyu upang pumunta si Balistoy sa nasabing trainings.

Base sa batas, may kapangyarihan ang Ombudsman na ipag-utos ang dismissal ng isang opisyal ng pamahalaan kung mapatunayan ang kanyang partisipasyon sa anomalya sa pamahalaan. (JOYCE BALANCO / UNTV News)

The post Mayor ng Bohol, ipinatanggal sa pwesto ng Ombudsman dahil sa pamemeke ng travel reimbursements appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481