MANILA, Philippines — Sisimulan na ng pamahalaan ang pagsasampa ng kaso laban sa mga indibidwal na umano’y sangkot sa P10 billion pork barrel scam.
Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na posibleng sa Lunes o sa Biyernes nila isapormal ang paghahain ng kaso.
Ayaw naman magbigay ng timeline ng pangulo sa magiging takbo ng kaso dahil ang nais niya ay matiyak na may mananagot at maparurusan.(UNTV News)