Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang Muslim leaders, kinondena si Nur Misuari kaugnay ng kaguluhan sa Zamboanga

$
0
0
FILE PHOTO: Moro National Liberation Front Nur Misuari (UNTV News /  Google Maps)

FILE PHOTO: Moro National Liberation Front Founding Chairman Nur Misuari (UNTV News / Google Maps)

MANILA, Philippines — Kinondena ng Metro Manila Muslim Community for Justice and Peace ang ginagawang pang-gugulo ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Zamboanga City.

Ayon kay Datu Basher Alonto, chairman ng grupo, nakalulungkot na marami ang nadadamay na sibilyan sa pangyayari.

“Yun ang nakakalungkot na nagkakaroon ng patayan, may mga taong nagkakaroon ng damages at naghihirap lalo na yung mga walang kamuwang-muwang ay nabibiktima ng nangyayari sa Zamboanga City.”

Sinabi pa nito na makikipag-usap siya sa grupo ni Misuari kasama ang 10 pang Muslim leader upang matigil na ang kaguluhan sa siyudad.

“Ang plano namin bukas ay pumunta sa Zamboanga dahil ang gusto namin ay kausapin siya at isa isa namin masabi baka sakali makita namin si Chairman at pakinggan kami,” pahayag pa ni Alonto.

Dagdag pa nito, mahigpit nilang binabantayan ang muslim community sa kanyang nasasakupan upang maiwasan na magkaroon ng symphatizer ang grupo ni Misuari.

“Sa lahat ng Muslim community dito sa Metro Manila ay nakamonitor kami kagabi nga ay nagmeeting kami at inaassume namin na ung mga kapatid dito sa Luzon ay hindi magkaka problema dito,” panawagan ni Alonto. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481