MANILA, Philippines — Inatasan na ni Pangulong Benigno Aquino III ang Department of Justice (DOJ) na pag-aralan ang pagsasampa ng kasong rebelyon laban kay Moro National Liberation Front (MNLF) Chairman Nur Misuari.
Kaugnay ito ng ginawang paglusob ng MNLF soldiers at pag-ukupa sa ilang barangay sa Zamboanga City.
Ayon sa Pangulo, “Yung susuriin ng sinomang abogado yung elements in inciting to sedition or rebellion kulang, dito sa nangyayari sa Zamboanga City allegedly nandun siya pero I have to stressed allegedly dahil walang nakikipagusap sa kanya di siya lumalabas at nagdedeklara ng whatever.”
Sinabi pa ni Pangulong Aquino na wala pang plano ang gobyerno ng magdeklara ng state of emergency sa siyudad.
Wala ring itinakdang deadline ang pangulo kaugnay sa pagresolba sa krisis sa Zamboanga upang matiyak ang seguridad ng mga sibilyan sa lugar.
Ipinahayag naman ng Pangulo ang nakikita nyang dahilan ni Misuari sa paglusob sa Zamboanga City.
“Chairman Misuari seems unsatisfied parang honestly personally parang dating sa akin kapag hindi siya ang magiging pinuno kung anuman ang mangyayari sa ARMM eh hindi siya sang-ayon,” anang pangulo. (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)