MANILA, Philippines — Inaasahang sa loob ng linggong ito ay maihahain na ng Department of Justice (DOJ) ang kauna-unahang kaso laban kay Janet Lim Napoles na umano’y utak sa 10-billion peso pork barrel scam.
Sinabi ni Pangulong Benigno Aquino III na posibleng sa Biyernes o Lunes ay maihain na ang kaso.
“The first charges with regards to this issue I understand will be filed not later than Monday there’s a possibility it will filed on Friday.”
Ayon sa Pangulo, ibabase sa ebidensya at teorya ang kauna-unahang kasong isasampa kay Napoles.
Hindi naman masabi ng Pangulo kung may mga mambabatas na sasampahan din ng kaso.
Samantala, muling binigyang diin ng Pangulo na hindi pa niya nakikilala si Napoles kahit noong senador pa siya kaya malabong magkaroon siya ng kaugnayan dito.
“When I saw her when came to the palace I strive to look at her and I don’t remember, normally, I’m very good with faces baka sometime I’m poor with names she’s not look familiar.” (Nel Maribojoc / Ruth Navales, UNTV News)