ZAMBOANGA CITY, Philippines — (Update) Muling tumaas ang tensyon sa Zamboanga dahil sa sunog na naganap sa limang bahay sa Brgy. Sta. Barbara, Martes.
Ayon sa lokal na pamahalaan ng Zamboanga City, ang mga mortars na pinaputok ng Moro National Liberation Front (MNLF) ang sanhi ng sunog.
Hindi naman makapasok ang mga fire truck upang apulahin ang sunog dahil walang order ang Philippine Army kung maari nang pumasok sa lugar ng sunog.
Samantala, dumating na kaninang umaga sa Edwin Andrews Airbase ang karagdagang pwersa mula sa hanay ng militar, pulis at navy.
Nanawagan naman ang Zamboanga PNP sa mga mamamayan na kaagad i-report sa mga numerong 117 / 166 / 0906-368-0749 sakaling may makitang miyembro ng MNLF sa kanilang lugar.
Pinapayuhan rin ang mga residente na manatili na lamang sa kanilang mga tahanan upang matiyak ang kanilang kaligtasan. (Denry Lopez / Ruth Navales, UNTV News)