Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

41 OFW mula sa Syria, dumating na sa bansa

$
0
0
FILE PHOTO: Ang pila sa immigration sa arrival area sa Ninoy Aquino International Airport para sa mga pasaherong may hawak na Philippine passport. (MARLON BRIOLA / Photoville International)

FILE PHOTO: Ang pila sa immigration sa arrival area sa Ninoy Aquino International Airport para sa mga pasaherong may hawak na Philippine passport. (MARLON BRIOLA / Photoville International)

MANILA, Philippines — Nasa bansa na ang 41 OFW na inilikas ng pamahalaang Pilipinas mula sa bansang Syria dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Alas-3:20 ng hapon nitong Martes nang lumapag sa NAIA Terminal 1 ang Eithad Airways Flight EY424 lulan ang mga Pinoy worker.

Agad na hinarap ng mga tauhan ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) ang mga OFW upang makuha ang mga impormasyon at matulungan sa kanilang mga pangangailangan.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang mga ito ang pinakabagong nadagdag sa bilang na 4,741na napauwi na ng pamahalaan mula nang magsimula ang repatriation.

Napilitang umuwi ang mga Pinoy worker dahil sa banta ng Estados Unidos na air strike sa Syria dahil sa paggamit nito ng chemical weapons na pumatay ng libu-libong sibilyan.

Patuloy namang umaapela ang pamahalaan ng Pilipinas sa mga Pilipinong nasa Syria na tanggapin na ang iniaalok na government-supported repatriation.

Sa ngayon ay pansamantala munang manunuluyan sa transient house ng OWWA ang 41 OFW habang naghahanda pauwi sa kani-kanilang probinsya. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481