Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Zero Remittance Day protest, palalawigin kapag hindi tinanggal ang pork barrel

$
0
0
Artist impression: Zero Remittance Day (Credits: Google and Google Maps)

Artist impression: Zero Remittance Day (Credits: Google and Google Maps)

MANILA, Philippines — Umaani ng suporta mula sa iba’t-ibang organisasyon ang panawagang “zero remittance day” bilang protesta kontra pork barrel ng mga senador at kongresista.

Inilunsad ngayong araw ng Huwebes ang Depork Alliance na binubuo ng iba’t ibang migrant organizations sa pangunguna ng Migrante International.

Ayon sa Migrante, umabot na sa 142 OFW organizations sa 23 bansa ang nagpahayag ng suporta sa zero remittance day sa September 19.

Ibig sabihin nito, hindi magpapadala ng pera ang mga OFW bilang parte ng panawagan na buwagin ang pork barrel system.

Ayon kay Depork Alliance Convenor Lito Soriano, malaki ang nakalaang pondo sa mga matataas na opisyal ng bansa ngunit kapos naman ang pondo na nagpoprotekta sa mga OFW sa panahong nagigipit sa ibang bansa.

“Nakita natin sa dami ng Pilipino sa distressed center na gustong makauwi na ito’y lumampas na sa kanilang mga kontrata at di makauwi dahil walang pondo, eh ito ngayon marinig natin bawat senador may 200 million na pork barrel bawat kongresista may 70 million, napakasakit pong tanggapin yun.”

Banta pa ng grupo na kung hindi aalisin ng gobyerno ang pork barrel sa mga mambabatas ay hindi lamang isang araw kundi paaabutin nila ng isang linggo ang kanilang protesta.

“Wag nilang antayin na ang mamamayan mismo ang maghanap ng ibang alternatibo na paglaban… ang OFW ay hindi aatras pag ganito na ang hamon,” ani Soriano. (Ley Ann Lugod / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481