Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ombudsman, wala pa umanong kopya ng COA report laban sa mga Binay

$
0
0
FILE PHOTO: (L-R) Vice President Jejomar Binay; Makati City Mayor Junjun Binay (Willie Sy / Photoville International)

FILE PHOTO: (L-R) Vice President Jejomar Binay; Makati City Mayor Junjun Binay (Willie Sy / Photoville International)


QUEZON CITY, Philippines —
Itinanggi ng Office of the Ombudsman na press relations consultant nito ang nagbigay sa media ng kopya ng Commission On Audit Report tungkol sa ginastos sa pagtatayo ng Makati City Hall Parking 2 building.

Sinasabi na nakinabang ng husto sa konstruksyon ng kontrobersyal na building si Vice President Jejomar Binay at anak nito na si Junjun na parehong naging mayor ng Makati City.

Samantala, hinihintay pa ng Ombudsman ang kopya ng COA Report upang mapag-aralan muna bago magbigay ng pahayag.

Kahapon, nag-leak sa media ang COA report na nagsasabing overpriced ang nagastos sa pagtatayo ng nasabing building.

Ang COA report na ito ang isa sa mga pangunahing ebidensyang gagamitin ng Ombudsman sa pagsasampa ng kaso laban sa mga Binay sa Sandiganbayan.

(JOYCE BALANCIO / UNTV News)

The post Ombudsman, wala pa umanong kopya ng COA report laban sa mga Binay appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481