Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ceasefire, hiniling ng MNLF sa pamahalaan

$
0
0
MNLF Spokesperson Atty. Emmanuel Fontanilla (UNTV News)

MNLF Spokesperson Atty. Emmanuel Fontanilla (UNTV News)

MANILA, Philippines — Umaapela ng tigil putukan sa gobyerno ang Moro National Liberation Front (MNLF).

Sa isang panayam sinabi ng tagapagsalita ng pangkat ni MNLF chair Nur Misuari na si Atty. Emmanuel Fontanilla na ito ay upang makuha ng mga religious leader ang mga bihag na sibilyan.

“Panawagan namin sa Pangulo ng Pilipinas na maaari po na itigil ang putukan at ang sibilyan po ay kukunin ng mga Ulamas at nang hindi masyadong maapektuhan.”

Iginiit din ni Fontanilla ang pagkakaroon ng third party mula sa United Nations (UN) o Organization of Islamic Cooperation (OIC) upang matigil na ang sagupaan sa Zamboanga City na nagsimula noon pang Lunes.

“Ang sinasabi namin ay mayroong third party na makikialam dahil tulad ng magkakapatid yan na hindi na masyadong maayos ang konsepto kailangan na ng tatay.”

Samantala, tila nalilito naman ang Malacañang sa nais mangyari ng MNLF.

Ayon kay Presidential Communications Development & Strategic Planning Office Sec. Ricky Carandang, hindi nila alam kung sino ang dapat pakinggan sa MNLF.

“First of all we’ve confused because one guy from MNLF says bring the international mediator another guy from the MNLF says we don’t want to talk anyone, everything so it’s very difficult to verify who’s speaking behalf on whom and what they really want at this point in time.”

Dagdag pa ng kalihim, sa ngayon ay nananatili ang direktiba ni Pangulong Aquino na tiyakin ang seguridad ng mga residente sa naturang lugar.

“The presidents always concern about two things containing that making sure that it will not spread out and get worse,” saad pa ni Carandang. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481