ZAMBOANGA CITY, Philippines – Hindi pa kailangang magdeklara ng state of emergency sa Zamboanga City.
Ito ang ipinahayag ni Pangulong Benigno Aquino III sa isinagawang press briefing kaninang tanghali sa head quarters ng Western Mindanao Command (WESTMINCOM).
Ayon sa Pangulo, sapat ang pwersa ng gobyerno sa lugar upang makontrol ang kaguluhan at maiwasan ang spill over.
Dagdag pa nito, mas prayoridad ng pamahalaa sa ngayon ang kaligtasan ng mga naiipit sa sagupaan sa pagitan ng militar, mga pulis at Moro National Liberation Front (MNLF).
Samantala, matapos makipagpulong sa WESTMINCOM, nagtungo rin si Pangulong Aquino sa Zamboanga City Grand Stand Sports Complex upang personal na alamin ang kalagayan ng mga evacuees doon. (UNTV News)