INDIA — Sa taas na 2 feet, 6 inches o 62.7 cm, tinanghal na “world’s shortest living woman” ng Guinness Book of World Records 2014 ang 19-anyos na si Jyoti Amge mula sa bansang India.
Sa pagharap nito sa media kahapon sa 86th floor observatory ng Empire State Building, kitang kita ang saya ni Amge suot ang kanyang jewel-encrusted purple dress.
Si Amge na tubong Nagpur, India, ay may timbang na 11 pounds o 5 kilo lamang.
May dwarfism si Amge ng isilang o ang tinatawag na achindroplasia.
Bago tinanghal na pinakamaliit na tao ng Guinness, nauna nang kinilala si Amge na “world’s shortest teenager”.
“I like it very much. Being in the Guinness book of world records, I get to visit different places like London, Italy, New York and everywhere,” nakangiting pahayag ni Amge.
Ayon sa Guinness, mas mataaas pa ang isang average 2-year old na bata kaysa kay Amge.
At dahil sa kanyang kakaibang sukat, nabigyan siya ng mga role sa ilang pelikula.
“Earlier I wanted to be in Bollywood but I didn’t get too many offers, so now I’m thinking of going to Hollywood,” pahayag pa ng dalagita.
Bago si Amge, naunang kinilala bilang shortest woman ng Guinness si Pauline Musters ng The Netherlands, na ipinangak noong 1876 at pumanaw noong 1895, at may sukat na 1 feet 92 inches o 58 cm. (Bianca Dava / Ruth Navales, UNTV News)