DAVAO, Philippines — Nirespondehan ng UNTV News and Rescue team katuwang ang Davao City Central 911 ang aksidente sa Matina, Pangi, Davao City pasado alas dose ng gabi nitong Huwebes.
Bukol at sugat sa mukha at mga kamay ang tinamo ni Pantello Mondejar Jr., 51-anyos residente ng nasabing lugar matapos sumemplang sa gilid ng daan ang sinasakyan nitong motorsiklo.
Kaagad na nilapatan ng pangunang ng grupo si Mondejar at saka inihatid sa Southern Philipines Medical Center.
Samantalang ang kasama ni Mondejar na driver sa motorsiklo ay nagtamo ng sugat sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na tinulungan naman ng Davao City Central 911.
Ayon sa mga nakasaksi, self-accident ang nangyari.
Pahayag ni Emil Rentura, “Pag agi namo sa misis na ko, wala man silay kasugat sila lang man ang nakuan diha.”
(Pagdaan namin ng misis ko ,wala na man silang kasalubong sila lang naman ang naano dyan).
JANICE INGENTE / UNTV News
The post 2 biktima ng motorcycle accident sa Davao City, magkatuwang na nirespondehan ng UNTV News and Rescue at Davao 911 appeared first on UNTV News.