MANILA, Philippines — Nagdeklara na ng work suspension ang Korte Suprema sa lahat ng mga korte sa buong bansa ngayong darating na Miyerkules, March 23, kaugnay ng mahabang bakasyon.
Ayon sa tagapagsalita ng Korte Suprema na si Atty. Theodore Te, half-day o mula alas otso ng umaga hanggang alas dose ng tanghali lamang ang pasok sa mga korte sa buong bansa ngayong Miyerkules, Marso a-beinte tres.
Sa Lungsod ng Maynila, wala nang pasok buong araw ng Miyerkules ang mga lower courts.
Sa Korte Suprema at Court of Appeals, tanging ang docket section lamang at ang cashier’s office ang magbubukas half-day ng Miyerkules para sa mga maghahain ng pleadings. (UNTV News)
The post Pasok sa mga korte sa buong bansa, half-day lang sa Miyerkules appeared first on UNTV News.