Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Anak ng notoryus na carnapper, nahuli ng QCPD

$
0
0
Ang nadakip na si Mark Joseph Reyes na anak ng notoryus na lider ng Mac Lester Carnapping Group. (UNTV News / PNP)

Ang nadakip na si Mark Joseph Reyes na anak ng notoryus na lider ng Mac Lester Carnapping Group. (UNTV News / PNP)

QUEZON CITY, Philippines – Nadakip na ng Quezon City Police District (QCPD) ang anak ng notoryus na lider ng Mac Lester Carnapping Group na nag-ooperate sa Metro Manila.

Ayon kay QCPD Director Chief Supt. Richard Albano, nahuli si Mark Joseph Reyes habang ipinare-repair ang bagong nakaw na Honda VTEC S.I.R na pag-aari ng businesswoman na si Gatsby Fay Balanay.

“Yung huling vehicle na na-recover natin, it was stolen August 28 and it was recovered September,” ani Albano.

Kwento ng biktimang si Balanay, nakaparada sa harap ng kanyang bahay sa Vicente Cruz, Sampaloc ang kanyang sasakyan nang nakawin ng mga kawatan.

“Nakuha yung sasakyan ng August 28 nagising po ung mother in law ko ng 3am wala na yung sasakyan.”

Idinagdag pa ni Albano na maraming kaso ng carnapping at illegal possession of firearms ang mag-anak na Mac Lester, Jazmine at Mark Joseph.

Sila rin umano ang kumarnap sa black Toyota Fortuner na nakapangalan sa presidente ng SSS na si Emil De Quiros noong 2011.

Nanawagan naman ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) sa mga mambabatas na paigtingin ang batas laban sa carnapping upang masawata ang nakawan ng sasakyan.

“Baguhin yung batas na Anti-Carnapping Act of 1972 which is also known as RA 6539 na ang act of carnapping is always bailable,” pahayag ni VACC Board of Director, Boy Evangelista. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481