Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ilang OFW galing Syria, hindi makauwi sa Zamboanga

$
0
0
Sakay ng Gulf Air flight GF154 umaga nitong Biyernes, 31 OFW mula sa Syria ang nakauwi na sa bansa. (UNTV News)

Sakay ng Gulf Air flight GF154 umaga nitong Biyernes, 31 OFW mula sa Syria ang nakauwi na sa bansa. (UNTV News)

MANILA, Philippines – Muling nadagdagan ang mga nailikas na Overseas Filipino Workers (OFW) mula sa bansang Syria bunsod ng patuloy na kaguluhan doon.

Lumapag kanina sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 1 ang mga Pinoy worker lulan ng Gulf Air flight GF154.

Nito lamang Setyembre 11 ay ibiniyahe ang mga ito mula sa Damascus hanggang sa Beirut sa Lebanon.

Bahagi pa rin ito ng repatriation effort ng pamahalaan sa mga Pilipinong nais nang makabalik ng bansa dahil sa patuloy kaguluhan sa Syria.

Pero ang ilan sa kanila, hindi pa rin makakauwi sa kani-kanilang pamilya sa Zamboanga at Basilan dahil sa nagpapatuloy na kaguluhan doon.

Ayon sa OFW Haidi Rivera, wala silang magagawa kundi maghintay na humupa ang gulo sa Mindano bago makauwi sa kanilang lugar.

“Pupunta ako ng Zamboanga, tapos sabi ang gulo daw doon. Tapos ngayon di pa ako nakakatawag sa pamilya ko, eh di mag-stay muna po ako sa OWWA.”

Sa ngayon ay nasa 4,772 na ang naililikas na Pinoy worker mula sa Syria, habang nasa 3 libo pa ang dapat na mailikas kasama ang mga ayaw pang umuwi matapos alukin ng mas malaking sahod ng mga employer. (Lea Ylagan / Ruth Navales, UNTV News)


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481