MANILA, Philippines – Hindi pinanigan ni Makati RTC Branch 150, Judge Elmo Alameda ang tatlong petisyon na ipinasa ng kampo ni Janet Lim Napoles.
Ang mga ito ay ang motion to suspend proceedings ni Reynald Lim, urgent motion for bill in particulars at motion to defer arraignment ni ginang Napoles.
Ayon sa anim na pahinang resolusyon na inilabas ng korte, walang sapat na merito ang tatlong petisyon.
Dahil dito ay tuloy na tuloy na ang itinakdang arraignment ng Makati RTC Branch 150 sa September 23 sa susunod na linggo.
Samantala, wala pang desisyon ang korte sa kahilingan ng kampo ni Napoles na isagawa sa Fort Sto. Domingo sa Laguna ang pagbasa ng sakdal. (Mon Jocson / Ruth Navales, UNTV News)