MNLF
CAGAYAN DE ORO CITY, Philippines – Isang prayer rally ang isinagawa kahapon, Linggo ng ibang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) sa Cagayan De Oro City.
Panawagan ng mga raliyista, itigil na ang labanan at sa halip ay resolbahin sa mapayapang paraan ang kanilang sigalot.
Ayon kay MNLF Commander Sami Tagalog, hindi ang MNLF ang nagpasimula ng nagaganap na kaguluhan sa Zamboanga.
Layunin lamang anila na mabatid ng mga kinauukulan ang kanilang tunay na mithiin sa Mindanao.
“Bilang commander, 58 kami na mga national command, walang binigay na instruction na maggiyera kami sa Mindanao, lupa namin ito hindi maaaring guluhin ang lupang ito, walang instruction o anu pa man. Ang amin lang ay maintindihan ng mga mamamayan ng Mindanao ang aming adbokasiya.” (UNTV News)