DAVAO, Philippines — Sa aerial survey ng mga awtoridad, nakumpirmang hindi pa rin ganap na naapula ang sunog sa Bundok Apo na nagsimula mahigit isang linggo na ang nakakaraan.
Sa estimate ng mga awtoridad, mula 324 hectares nasa 120-130 hectares pa ang area na kailangang apulahin ang apoy.
“We have observed that there a lot of timbers na nakatambak doon, mga old timbers at yun naman yung inuubos ngayon ng fire,” ani PDRRMC Representative Harry Chester Camoro.
Gumamit ang firefighting team ng crush ice sa pag-apula ng apoy upang mas maisakto ang pag-target sa area na mayroon pang sunog.
“Pasalamat nga tayo kasi may nag-pledge na magbigay sila ng free support ng ice. So, we will be able to use those pledges,” dagdag pa ni Camoro.
Ayon sa regional director ng DENR, ang inaapula ngayon ay ang bagong nadiskubreng fire head na mas malapit sa peak ng Mt. Apo at nasa bahagi ng Davao City.
“As of yesterday (Sunday), may nahanap na panibagong fire head. It’s a new area of fire and the three initial areas where, I cannot say contained but controlled,” ani Joeselin Marcus Fragada ng DENR.
Nadagdagan pa ng dalawang asset para sa pag-apula ng apoy, ang Philippine Army, partikular ang East Mindanao Command at ang Philippine Air Force.
Samantala, napagdesisyunan naman ng mga ahensya ng pamahalaan na mula sa temporary ay gawing indefinite ang mandatory closure ng Mt. Apo sa mga climbers at mountaineers.
Ito’y sa kabila ng pagtutol ng mga nagnanais pang umakyat sa bundok sa kabila ng pagkasunog nito.
“We had a meeting and nagkaroon naman ng quorum and finally we decided to close Mt. Apo indefinitely.
Higit sa turismo, sa oras na maapula ang apoy, rehabilitasyon ng Mt. Apo ang pangunahing alalahanin ng mga ahensyang nangangalaga sa bundok. (Joie Domingo / UNTV News)
The post Yelo ginamit pang-apula sa mahigit isang linggo nang sunog sa Bundok Apo appeared first on UNTV News.