Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Ordinansang magbibigay ng libreng Wi-Fi access sa mga pampublikong lugar, inaprubahan na ng Davao City Council

$
0
0
Davao City Google Map with Wi-Fi logo

Davao City Google Map with Wi-Fi logo

DAVAO, Philippines — Magkakaroon na ng Wi-Fi access ang mga pampublikong lugar sa Davao City na itinuturing ng konseho ng lokal na pamahalaan ng lungsod na isa na namang advancement towards progress.

Pahayag ni Councilor Joanne Bonguyan, “We will expect before mag-end ang 2016, ma-implement ito na program.”

Sa City Ordinance no. 1675, isang memorandum of agreement ang lalagdaan ng alkalde ng Lungsod ng Davao at ng Department of Science and Technology, Information and Communication Technology Office.

“Ang purpose nito na programa na hindi lang natin i-limit sa downtown area but really sa far-flung areas para maka-access sila ng internet,” dagdag pa ni Councilor Bonguyan.

Ang programang ito na pinangunahan ng DOST-ICT ay nakapagsimula na sa iba’t-ibang LGUs sa Mindanao at isa ang Davao sa mga lungsod na una nang nagpasa ng ordinansa para sa pagpapatupad nito.

Nakasaad sa MOA na ang Lungsod ng Davao ang magpro-provide ng manpower at mamamahala ng infrastructure installation at ang syang magbabayad ng kuryenteng magagamit sa pagpapatupad ng proyekto na inaasahang magiging napaka-minimal lamang ang halaga.

Magkakaroon ng bidding ang DOST-ICT para sa service provider ng Wi-Fi access. Ito rin ang pipili ng mga lugar na paglalagyan ng pasilidad na ito.

“Ang nag-identify, hindi ang city government of Davao but the DOST-ICT, nag-mention sila most of the public places,” anang konsehal.

Anumang oras, maaring makapag-access ang sinuman sa mga pampublikong lugar na magkakaroon ng Wi-Fi, hanggang 50MB bawat araw.

(JOEIE DOMINGO / UNTV News)

The post Ordinansang magbibigay ng libreng Wi-Fi access sa mga pampublikong lugar, inaprubahan na ng Davao City Council appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481