MANILA, Philippines — Identity theft, harassment, intimidation, blackmail at iba pa.
Ayon sa grupong Kontra Daya, ilan lamang ito sa maaring mangyari sa mga taong ang pangalan ay kasama sa leakage sa internet ng voters’ information na nagmula sa data system ng Commission on Elections (COMELEC).
Para sa grupo, bagama’t dapat mapanagot ang mga responsable sa hacking ng COMELEC website at paglalabas ng impormasyon online, pinag-iisipan din nila na sampahan na ng reklamo ang COMELEC dahil sa naging kapabayaan nito sa maselang impormasyon.
“We are still conferring with our lawyers as to whether or not this will constitute a violation for example of the data privacy act or if there are other laws that the COMELEC may have already violated as a result of the data breach,” ani Danilo Arao, convenor ng Kontra Daya.
Ang COMELEC hindi naman masisi ang publiko kung magsampa ng reklamo.
“Talk of a lawsuit is a natural response to what happened and I certainly cannot fault them for feeling that wat… so if they go ahead and do that, it will have to be something that we have to prepare for,” ani COMELEC Spokesperson Dir. James Jimenez.
Ayon pa kay Dir. Jimenez, na-take down na ang website na naglabas ng searchable version ng nakuhang voter’s data.
Subalit patuloy na magmo-monitor ang poll body kung may lilitaw na iba pang katulad na online site na maglalabas ng impormasyon ng mga botante.
Pahayag ni Chairman Andres Bautista, “Naghahanap po tayo ng mga paraan para maibsan o mabawasan, ma-mitigate yung damage as well as mga remedyo na pwedeng gawin para siguraduhin na hindi mangyari uli.”
“You cannot say totally down kasi, if you shot down a particular site, the hackers could easily create another website. Ganun na naman ang cycle,” sabi naman ni NBI Cybercrime Division Executive Officer Vic Lorenzo.
Humingi naman ng paumanhin ang COMELEC sa insidente kasabay ang panawagan sa publiko na gumawa ng mga hakbang upang maprotektahan ang sarili laban sa posibleng epekto ng data breach; kabilang dito ang pagpapalit ng password sa email.
“We apologize for this attack on your privacy. We acknowledge that we had the responsibility, of course, to safeguard the data and we regret that this has happened and that is why we are taking steps to make sure that everyone knows how to protect themselves and we are trying to find people that are responsible for this,” dagdag pa ni Spokesperson Jimenez.
Nangangamba naman ang Kontra Daya na hindi lang ang COMELEC website ang malantad sa hacking kundi maging ang election system na gagamitin sa halalan.
Subalit nanindigan ang COMELEC na mas matibay ang security feature ng sistemang gagamitin sa halalan at ang website na gagamitin ng COMELEC para dito.
(VICTOR COSARE / UNTV News)
The post Kontra Daya, pinag-aaralang sampahan ng reklamo ang COMELEC dahil sa data leak appeared first on UNTV News.