DAVAO CITY, Philippines — Isinagawa kaninang madaling-araw ang pangatlong Lambat Sibat operations ng pulisya sa Davao City.
Dalawampu’t isa ang search warrant na na-issue ng korte sa pulisya at nagsasagawa ngayon ang mga ito ng 7 ang buy bust operations.
Ayon kay PSupt. Milgrace Driz, spokesperson ng Davao City Police Office, mas bumaba ang bilang ng mga nahuli ngayon kung ihahambing sa kanilang nakaraang mga naging operasyon. Bagama’t may apat na napatay dahil armado ito at nanlaban sa mga pulis.
“Pati ang mga drugs na nakuha, firearms, nakita natin sa mga initial na reporting na nakuha sa mga police stations, bumaba sya ngayon,” pagbabahagi ni Driz.
Kinilala ang dalawa sa mga namatay na sina Bobby Daquigan, 38 taong gulang at nasa pang-apat sa listahan ng mga personalidad ng Sta. Ana Police at si Edward Magno.
Parehong naserbisyuhan ng search warrant ang dalawa ngunit nanlaban diumano si Daquigan gamit ang .38 caliber na baril.
Ilan naman sa nahuli ay kinilalang sina, Roderick Magno Bayog alyas Loloy, Ernie Jumawan, Abdulmonap Imdan Aquilan alyas Monap Aquilan at ang asawa nitong si Nilma Aquilan. Nakuha sa posesyon ng mga ito ang ilang drug paraphernalia, shabu, dried marijuana at iba’t ibang kalibre ng baril.
Tumanggi naman ang isa sa mga suspek sa ibinibintang sa kanila.
Ang inisyatibong ito ay sa pakikipagtulungan ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan tulad ng Philippine Drug Enforcemt Agency (PDEA), Davao City Police Office, Highway Patrol Group, mga station commander at ng iba’t ibang operatiba.
(JOEIE DOMINGO/UNTV News)
The post 4 patay sa implementasyon ng Oplan: ‘Lambat Sibat’ sa Davao City appeared first on UNTV News.