Quantcast
Channel: UNTV News
Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481

Seguridad sa trabaho at pagtaas ng sweldo, ilan sa hiling ng mga government health workers

$
0
0
Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga health worker sa tapat ng Dr. Fabella Memorial Hospital sa Maynila. (UNTV News)

Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga health worker sa tapat ng Dr. Fabella Memorial Hospital sa Maynila.
(UNTV News)

“Serbisyo sa tao, wag gawing negosyo!”

Ito ang sigaw ng mga nag-protestang health workers mula sa iba’t ibang pampublikong ospital sa Maynila.

“Dapat itaas ang sahod ng mga manggagawang pangkalusugan. Alam natin ang SSL 4 ay hindi po siya nakatugon doon sa makabuluhang pagtaas ng sahod,” pahayag ni Robert Mendoza ng Alliance of Health Workers.

Kasama sa mga nagprotesta ang ilang empleyado ng Dr. Jose Fabella Maternity Hospital na nanawagan sa Department of Health na linawin ang isyu ukol sa deployment ng mga empleyadong maaapektuhan ng ginagawang renovation ng ospital.

Ngunit ayon sa pamunuam ng Fabella, hindi pa pinal ang planong redeployment at hanggang sa ngayon ay pinaguusapan pa ito.

Siniguro din nitong walang mawawalan ng trabaho sa mga empleyado nila.

“Sa ngayon po ‘yun ay nananatiling plano pa rin po. Wala pa pong mga siguradong assignment o na taong maa-assign sa iba’t ibang ospital,” paliwanag ni Dr. Antoninette Pacapac, Media Relations Officer ng nasabing ospital.

“Matatapos na ang May. Magju-June na. As of this moment, wala pang pinal. I really do not know kung anong gustong palabasin ng mga opisyal sa Fabella Memorial Hospital,” sabi naman ng Fabella Hospital Employees Association na si Dr. Margarita Esquivel.

Itinanggi rin ng naturang ospital na magsasara na sila.

Ipinaliwanag ni Dr. Pacapac na habang ginagawa ang kanilang bagong gusali ay ire-refer naman nila sa ibang government hospital ang mga pasyenteng hindi nila maa-accomodate.

“Tinitingnan namin kung ilang kama ma-accomodate. As much as possible gusto namin na maraming kama ang ma-accomodate namin,” dagdag pa ni Dr. Pacapac.

Sa May 2017 inaasahang matatapos ang bagong Fabella Hospital building. Dito mayroong nasa 800 bed capacity para sa mga pasyente. Mas mataas sa 700 na mayroon ngayon sa old building ng Fabella.

(DARLENE BASINGAN/UNTV News)

The post Seguridad sa trabaho at pagtaas ng sweldo, ilan sa hiling ng mga government health workers appeared first on UNTV News.


Viewing all articles
Browse latest Browse all 18481